Journal #1

Bakit mahalagang malaman ang kalikasan,layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag aaral sa iba't ibang larang akademiko?

             Mahalagang malaman ang kahalagahan nang pagsulat upang makagawa ka ng isang maayos na sulatin. Upang makagawa nang isang maayos na pagsulat kailangan mong sundin ang mga proseso nito. Ang maayos na paggawa ng pagsulat ay nag lalaman ng introduksyon,katawan at wakas.
              Ang layunin ng iba't ibang anyo ng sulatin ay ang makagawa ng isang maayos na sulatin na naiintindihan ng mga mambabasa. Ayon sa nabanggit sa introdukston,kailangan naglalaman ito ng introduksyon,gitna at wakas. Sa introduksyon dito dapat mababasa ang buod nang iyong sinulat at sa katawan naman ay dito mo mababasa ang buong impormasyon tungkol sa iyong nasulat na paksa at ang huli ay ang wakas na nag lalaman ng iyong sailing opinyon sa iyong paksang ginawa.
                Sa aking palagay at naiintindihan kailangan natin talagang matutunan at maintindihan ang layunin ng pagsulat dahil malaki ang maitutulong nito sa ating buhay kapag tayo ay humantong na sa ating mga propesyon. Kaya iminumungkahi ko sa katulad kong mag-aaral na pag-aralan natin dapat mabuti ang tamang pagsulat para pagdating nang panahon handa na tayo sa panahon na kailangan nating gumawa ng isang sulatin.


Calago, Arvyc A.

Comments

Popular posts from this blog

Journal #1